www.salamangka.com



Valentine’s Day

January 14th, 2010 | Posted By admin

Mga Valentine’s Day Card Na Totoong lyong-iyo
Para Panimulan Ang Pagdating Ng Mga Pagsuyo

Mga Kasangkapan
1, 2, o 3 Valentine’s Day card
1 bagong bolpen, tintang asul
maliit na botelya
extra-virgin olive oil

Bumili ng 1,2, o 3 Valentine’s Day card at isang bolpen na may tintang asul.

Isagawa ang Pagtatalaga Sa Mga Kasangkapan at Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa bolpen. Huwag nang gagamitin ang bolpen sa ibang pamamaraan kundi para sa kulam o magica lamang.

Ritwal
Dalawang linggo bago sumapit ang Valentine’s Day, o Araw Ng Mga Puso, sulatan ang 1, 2 o 3 card sa pangalan mo. Ang isusulat sa pinanggalingan, sa ilalim ng mensahe sa card, ay hindi isang tiyak na pangalan ng tao kundi taguring pangkalahatan lamang.

(mga halimbawa: “Ang tunay na nagmamahal sa iyo,” “Ang tunay na umiibig sa iyo”).

Ilakip sa sobre ang card at isulat ang iyong pangalan at patutunguhan. Selyuhan o ipadala ang sobre sa mensahero. (Ang uri at bilis ng pagpapadala ng card ay nasa sa iyo.)

Kapag natanggap ang mga card, huwag nang bubuksan ang mga ito. Ipapatong at iiwan lamang sa altar.

Kapag nakamit ang iniibig, kunin ang card o mga card at dalhin sa bakuran. Sunugin ang mga ito bilang pagpapalaya sa ginawa mong kahilingan sa kawalan. Ang mga abo ay ipaubaya sa lupa, himpapawid, at kalikasan.

Tags: ,
Posted in Valentine's Day | No Comments »

Leave a Reply

Valid XHTML 1.0 Strict Protected by Copyscape Online Plagiarism Detector salamangka - Tagalog Real Magic Spells In The Philippines For Free Arts & Craft - Top Blogs Philippines