www.salamangka.com



Timbre Ng Pag-ibig

February 26th, 2010 | Posted By admin

Timbre Ng Pag-ibig
Para Ibigin Ka Nang Lubos Ng Isang Babae O Isang Lalaki

Mga Kasangkapan
pasadyang timbre
stamp pad, tintang pula
1 bungang kalamansi
kutsilyong panghiwa ng kalamansi
maliit na sangkalan
1 bagong dip pen na may nib
maliit na botelya
extra-virgin olive oil
asin

Magtungo sa pagawaan ng rubber stamper at magpasadya ng timbre na may dibuho na puso o kaya ay dalawang magkahugpong na puso.

Bumili ng stamp pad na may tintang pula.

Bumili rin ng isang dip pen na may nib, kung wala ka pa ng mga ito.

Isagawa ang Paghugas sa kutsilyo at maliit na sangkalan.

Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan at Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa timbre, bungang kalamansi, at dip pen na may nib.

Ang timbre ay maaari nang gamitin, sa anumang oras at araw, sa mga magical na paraan. Halimbawa, sa kanto ng mga pirasong stationery, note sheet, gift card at sobre, bookmark o pananda sa aklat, supot na papel, o kaya ay sa bahaging orlahan ng bawat pahina ng isang kuwaderno na maaaring pagsulatan ng mga bilang ng pahina.

Ritwal
Sa pamamagitan ng dip pen na may nib at katas ng kalamansi, isulat ang mga unang inisyal, o unang-titik, ng pangalan mo at pangalan ng layon sa loob ng puso o magkahugpong na puso. Patuyuin bago patungan ng iba pang nararapat na titik, bilang, salita, o mensahe.

Tags: ,
Posted in Timbre Ng Pag-ibig | No Comments »

Leave a Reply

Valid XHTML 1.0 Strict Protected by Copyscape Online Plagiarism Detector salamangka - Tagalog Real Magic Spells In The Philippines For Free Arts & Craft - Top Blogs Philippines