Sintas Ng Ermitanyo
February 19th, 2010 | Posted By adminSintas Ng Ermitanyo
Para Makadakip Ng Tunay Na Pag-ibig
Mga Kasangkapan
sintas na kulay rosas
mga bagol na 5-sentimo
maliit na botelya
extra-virgin olive oil
Bumili ng sintas na kulay rosas.
Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan at Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa sintas.
Ritwal
Sa tuwing may pagkakataon, ituhog sa sintas ang mga bagol na 5-sentimo na mapapasaiyo at saka buhulin ang mga dulo ng sintas.
Ang sintas ay isabit sa may pintuan ng silid.
Ang sintas ay maaari ring ikuwintas sa pigurin ng pag-ibig o sa Prinsipal, o pangunahing pigurin o estatwa, na nakapatong sa altar.
Kapag napuno na ng mga bagol ang sintas, maaaring simulan ang isang panibagong sintas. Ulitin pa hanggang sa makabuo ng tatlong sintas.
Mga Tala
Ang mga bagol na 5-sentimo ay yari sa pulang tanso, isang materyal na mainam sa pagsasagawa ng magica.
Ang kulam na ito ay ipinangalan sa sintas na ipinagkaloob kay Don Juan ng ermitanyong kaniyang pangunahing gabay upang magamit sa pagdakip sa mailap na Ibong Adarna ng Buhay. Sa ganang ito, ang darakpin mo ay ang Ibong Adarna ng Pag-ibig.

Posted in Sintas Ng Ermitanyo | No Comments »
Leave a Reply