www.salamangka.com



Pigurin Ng Pag-ibig

April 21st, 2010 | Posted By admin

Pigurin Ng Pag-ibig
Para Lumikha Ng Isang Prinsipal Sa Pag-ibig

Mga Kasangkapan
1 pigurin
Maliit na botelya
Extra-virgin olive oil

Maaaring isagawa ang kulam na ito kung mayroon kang altar na ginagamit sa kulam o magica. Ang altar ay nagsisilbing himpilan at pinagmumulan ng lahat ng iyong mga kahilingan at panawagan sa sansi’nukuban.

Bumili o pumili ng isang pigurin na sumasagisag sa pag-ibig na hinahanap mo. Ang pigurin ay maaaring sa hugis ng sinaunang diyos o diyosa (mga halimbawa: Aphrodite/Venus, Eros/Amor/ Kupido, Oshun, Chango), tauhan mula sa modernong kultura (mga halimbawa: mga artista o tauhan sa pelikula, mga superhero, mga cartoon character, mga batang nagyayakapan o naghahalikan), hayop (lovebirds, mga teddy bear), o bagay (puso, kalis, aras, singsing).

Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan sa pigurin.

Sa susunod na kabilugan ng buwan, isagawa ang Pagkokonsagra sa Magica NgMga Kasangkapan sa pigurin.

Ritwal
Ibulong sa pigurin ang iyong kahilingan, halimbawa, na magpapakilala sa iyo ang sinuman na tunay na magmamahal sa iyo.

Ipatong ang pigurin sa altar, sa gawing kaliwa ng iyong Prinsipal o pangunahing pigurin.

Ang pigurin ay huwag nang aalisin sa altar.

Tags: ,
Posted in Pigurin Ng Pag-ibig | No Comments »

Leave a Reply

Valid XHTML 1.0 Strict Protected by Copyscape Online Plagiarism Detector salamangka - Tagalog Real Magic Spells In The Philippines For Free Arts & Craft - Top Blogs Philippines