www.salamangka.com



Nalalabing Halik

February 4th, 2010 | Posted By admin

May Nalalabi Pang Mga Halik
Para Magkatotoo Ang Mga Kahilingan Hinggil Sa Iniibig

Mga Kasangkapan
basyong lipstick case, o sisidlan ng lipstick
1 bagong pad ng kuwadradong Post-It na kulay rosas
1 bagong bolpen, tintang pula
maliit na botelya
extra-virgin olive oil
asin

Huwag itapon ang basyong lipstick case, o sisidlan ng lipstick. Sa halip, gawin itong wishkeeper, o sisidlan ng mga kahilingan.

Sabunin at banlawang maigi ang sisidlan ng lipstick, pagkatapos ay isagawa rito ang Paghugas.

Bumili ng isang pad ng kuwadradong Post-It na kulay rosas at isang bolpen na may tintang pula.

Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan at Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa lipstick case, pad, at bolpen.

“Dito ko isisilid Kahilingan sa pag-ibig, Ihahatid sa buwan Maging sa kadiliman.”

Ritwal
Gamitin ang bolpen na may tintang pula at magsulat ng isang kahilingan sa isang pirasong Post-It.

Bilutin ang pirasong Post-It at ipasok sa sisidlan ng lipstick.

Ang sisidlan ng lipstick ay dalhin sa bag o bulsa hanggang sa susunod na kabilugan, kung kailan ang pirasong Post-It ay maaari nang halinhan.

Tala
Maaaring gamitin ang isang lipstick holder, o lalagyan naman ng sisidlan ng lipstick, kung ibig.

Tags: ,
Posted in Nalalabing Halik | No Comments »

Leave a Reply

Valid XHTML 1.0 Strict Protected by Copyscape Online Plagiarism Detector salamangka - Tagalog Real Magic Spells In The Philippines For Free Arts & Craft - Top Blogs Philippines