Mani Kayo Riyan
February 14th, 2010 | Posted By adminMani Kayo Riyan
Para Ibigin Ka Rin Ng Iniibig Mo
Mga Kasangkapan
mga nilagang mani
1 bagong maliit na plastic canister
1 bagong pad ng kuwadradong Post-It na kulay rosas
bagong bolpen, tintang pula
white glue
sinulid na pula
maliit na botelya
extra-virgin olive oil
Bumili ng maliit na plastic canister, isang pad ng kuwadradong Post-It na kulay rosas, isang bolpen na may tintang pula, isang maliit na botelyang white glue, isang rolyong sinulid na pula, at isang supot na nilagang mani.
Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan sa plastic canister, pad ng kuwadradong Post-It na kulay rosas, rolyong sinulid, at botelyang white glue.
Maingat na biyakin ang mga talop ng nilagang mani. Isilid ang mga talop na walang sira sa plastic canister at patuyuin.
Isagawa ang Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa lahat ng kasangkapan.
Ritwal
Gamit ang bolpen na may tintang pula, gumuhit ng isang malaking puso sa isang pirasong Post-It na kulay rosas, at isulat ang pangalan mo at pangalan ng layon sa loob ng puso, na ang pangalan ng magdadala ng relasyon ay siyang ipaiibabaw.
Tiklupin nang paulit-ulit ang pirasong Post-It hanggang sa magkasya ito sa loob ng magkapares na talop ng mani. Sa pamamagitan ng white glue, muling ipagdikit ang magkapares na talop ng mani.
Sa pamamagitan ng pulang sinulid, paikutan nang makatlo at saka bigkisan ang mga talop ng mani.
Ang binuong “mani” ay hipan nang makatlo.
Tala
Maaaring gumawa ng higit sa isang “mani,” siguraduhin lamang na ang pangkalahatang bilang ay naihahati sa bilang na 3.
Ibaon ang mga “mani” sa mga paso at bakuran.
Kung maaari, magbaon din ng mga “mani” sa mga paso at bakuran ng layon, lalo na sa mga bahagi ng lupa na karaniwan niyang hinahakbangan.

Posted in Mani Kayo Riyan | 1 Comment »
Comment to “Mani Kayo Riyan”
February 27th, 2010 at 4:57 am
Roberto Says:
may mga dasal ba kayo para sa mga taong wala ng ginawa kundi manghimasok at manira ng buhay ng kapwa ng walang awa?
Salamat
Leave a Reply