Love First Aid
January 14th, 2010 | Posted By adminFirst-Aid Para Sa Pag-ibig
Para Pagalingin Ang Sugatang Puso
Mga Kasangkapan
pulang karton o Valentine’s Day card na may larawang puso
lapis
gunting
2 Band-Aid plastic strip
maliit na botelya
extra-virgin olive oil
Patuloy ka bang nangungulila sa pag-ibig?
Balisa na sa kawalan o kasalatan ng pagmamahal?
Nananakit pa sa mahapding sugat na tinamo ng puso?
Bumili ng pulang karton o isang Valentine’s Day card na may larawang puso.
Kumuha ng dalawang Band-Aid plastic strip sa first-aid kit o medicine cabinet.
Gumuhit ng hugis-puso sa pulang karton saka gupitin ito. O kaya, gupitin ang larawan ng puso sa Valentine’s Day card.
Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan at Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa pusu-pusuan at dalawang Band-Aid plastic strip.
Ritwal
Isa-isang alisan ng balot ang mga Band-Aid plastic strip at saka ilapat nang pa-ekis sa gitna ng pusu-pusuan.
Ipatong ang pusu-pusuan sa altar at iwan doon hanggang nais o hanggang kinakailangan.

Posted in Love First Aid | 2 Comments »
2 Comments to “Love First Aid”
January 22nd, 2010 at 8:09 pm
lanie Says:
gusto ko lang matuto kung paano ang tamang pagkulam sa taong gusto ka lagi paiyakin at lokohin khit ibigay mo na nag lahat di pa makuntento salamat
February 19th, 2010 at 5:51 pm
admin Says:
try mo Para Ibigin Ka Rin Ng Iniibig Mo
Leave a Reply