Basong Pag-ibig
March 17th, 2010 | Posted By adminIsang Basong Pag-ibig
Para Lapitan Ng Malinis At Wagas Na Pag-ibig
Mga Kasangkapan
1 bagong baso na kulay rosas
Maliit na botelya
Extra-virgin olive oil
asin
Bumili ng isang baso na kulay rosas.
Paghugas
Sabunin at hugasan ang baso, pagkatapos ay banlawan ng tubig na hinaluan ng asin. Patuyuin.
Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan sa baso.
Sa susunod na kabilugan ng buwan, isagawa ang Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa baso.
Ritwal
Punuin ng tubig na pang-inom ang baso. Mag-iwan ng kalahating pulgada mula sa bibig nito upang walang tubig na matapon.
Bago matulog, ipatong ang basong may tubig sa isang mesita sa tabi ng uluhan.
Tuwing makatlong araw, isagawa ang Paghugas sa baso. Hindi na kailangang ulitin ang Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa baso hanggang sa susunod na kabilugan ng buwan. Muling punuin ng tubig at ipatong sa isang mesita sa tabi ng uluhan.
Isagawa ang kulam sa loob ng isang buwan o hanggang sa makamit ang iniibig.
Kung ang kulam ay nais ulitin, ang baso ay muling kokonsagrahin.
Tala
Ang baso ay huwag gagamitin sa ibang pamamaraan hanggat hindi natatapos ang kulam.

Posted in Basong Pag-ibig | No Comments »
Leave a Reply