Enerhiya Ng Pag-ibig
March 29th, 2010 | Posted By adminPagligo Sa Liwanag Ng Mabilog Na Buwan
Para Akitin Ang Enerhiya Ng Pag-ibig Na Pumasok Sa Diwa At Puso
Mga Kasangkapan
4 bagong vigil candle, o kandilang pang-altar, na kulay rosas
4 bagong vigil candle holder, o kristal na lalagyan ng kandilang pang-altar, kulay rosas
maliit na botelya
extra-virgin olive oil
1 maliit na walis-tambo
1 tuwalya o kumot na pansapin
1 unan lighter o posporo
Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan, na matutunghayan sa Kulam 1, pahina 2, sa apat na vigil candle holder at apat na vigil candle.
Sa gabi ng susunod na kabilugan ng buwan, walisin ang isang bahagi ng sahig ng silid na nakatapat sa liwanag ng mabilog na buwan.
[view full page] »
Basong Pag-ibig
March 17th, 2010 | Posted By adminIsang Basong Pag-ibig
Para Lapitan Ng Malinis At Wagas Na Pag-ibig
Mga Kasangkapan
1 bagong baso na kulay rosas
Maliit na botelya
Extra-virgin olive oil
asin
Bumili ng isang baso na kulay rosas.
Paghugas
Sabunin at hugasan ang baso, pagkatapos ay banlawan ng tubig na hinaluan ng asin. Patuyuin.
Isagawa ang Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan sa baso.
Sa susunod na kabilugan ng buwan, isagawa ang Pagkokonsagra Sa Magica Ng Mga Kasangkapan sa baso.
[view full page] »
Kabilugan Ng Buwan
March 10th, 2010 | Posted By adminRitwal Ng Ada Sa Kabilugan Ng Buwan
Para Hikayatin Ang Enerhiya Ng Pag-ibig
Mga Kasangkapan
1 bagong hair brush
1 bagong hand mirror
1 kahon
1 maliit na botelya
Extra-virgin olive oil
Tissue paper
Bumili ng hair brush at hand mirror. Tiyakin na huwag gamitin o ipagamit sa iba upang manatiling nakalaan at reserbado sa magica.
Punuin ang maliit na botelya ng extra-virgin olive oil. Isilid sa kahon ang hair brush, hand mirror, at botelya.
Pagtatalaga Ng Mga Kasangkapan
Sa gabi ng tatlong magkasunod na kabilugan ng buwan o kaya ay sa tatlong gabi ng kabilugan ng buwan (gabi ng bisperas ng kabilugan, gabi ng mismong kabilugan, kinagabihan ng kabilugan), ilabas ang mga kasangkapan at ibabad sa liwanag ng mabilog na buwan. Isagawa ang pagbabad ng tatlong oras.
[view full page] »

Posted in Enerhiya Ng Pag-ibig | No Comments »